Wednesday, January 31, 2007

saglit lang..

Nakatunganga na naman sa kawalan..pigil na pigil na pero pilit paring bumubuhos ang bawat salitang naiisip..hindi mawari sa isipan kung panong biglang nawala ang iniingatang nilalang..saglit lang naman..cno ba tlga me kasalanan? ako ba? kasalanan ko bang itigil ang maling dinadanas at harapin ang tama? kasalanan ko bang maramdaman na tlgang wala at wlang mangyayari pag ito'y nagtuloy-tuloy na? sabihin mo nga kasalanan ko ba?

Iniisip ko pa rin naman ung mga ginawa natin dati ah..ung pagpuna mo sa mga kabulastugang ginagawa ko..ung mga panlilibre mo sakin..ung mga malalambing mong tx dati..ung mga pag aalala mo sakin...ung pagseselos mo(over acting)...ung mga kinakain nating kamote cue..ung pagtambay natin..ung mga sandaling nasa beach tau..lahat un naaalala ko pa..teka..ikaw ba? naaalala mo pa ba un?

Saglit lang kasi...nasunog ko na pla mga sulat mo..wla na rin akong pakialam kong ano man ung mga ginagawa ko ngaun..pasimple..hindi na rin naman ako nanghihingi ng load sau ngaun..at hindi na rin ako naghahangad ng mga pag aalala mo...wla ka na ring pagseselosan..(bakit pa?)...hindi na ako mahilig sa kamote cue..(nakakabantot ng utot)...sa org ko na rin ako tumatambay...wla na ring beach rito(puro swimming pools)...ano gulat ka?

Lam mo ba? lahat ng mga un namiss ko na...malaki na ipinagbago ko..mula sa inosenteng nilalang nagtransform na ako at naging isang mulat na indibidwal..iba na ang katauhan ko..isipin mo nga un..pano nangyari un? halata mo naman na tinitx pa kita...saglit lang...----- nahahalata mo ba un? ung paraan ng pagtx ko? iba na ba? saglit lang kasi..wag ka muna magsalita...iba na ako dba? wla ng mga katgang un pagkatapos ng bawat tx ko diba? diba?

Oo,, talgang tinatago ko yun..ayoko na magkamali...pero bakit ganun...? masaya ka..pero ako hindi..naiisip mo bang maging malungkot para sa akin? ung tipong iiwan mo ung mga nsayo ngaun pra samahan akong tumambay sa kawalan pra umisip ng mga bagay-bagay pra mapasaya ko ang sarili ko...saglit lang..kung gagawin mo un..hindi na ako mag iisip pa ng mga bagay na un..masaya na ako eh..andyan kna eh...saglit lang..wag nlng kaya..nasabi ko na..ayoko na magkamali..itatama ko na ang buhay ko..tama na ang buhay mo...ang buhay ko...(ewan)...

Saglit lang...teka...saglit lang naman..pwde bang tumigil ka muna..me sasabihin lang ako....teka..



----mahal pa rin kita....

No comments: