Saturday, February 24, 2007

sa mga sandali..

pumupulupot pa rin ang mga makikisig na bisig sa nanghihinang nilalang..dahan-dahang inaangkin ang natitirang enerhiya sa bawat pag dukot sa iniingatan..maiitim ang naaaninag sa bawat pagbukas ng mga bilog na bagay..inaangat pa rin ang sarili..pinipilit..hanggang sa makarating sa mga sandali na wala na ang nilalang sa dating kinaroroonan..tamang-tama lang ang naiisip..daig na daig pa rin naman kahit anong maisipan..
isang malaking pader na ang kaharap..ayaw ng magpakita sa nakakasuklam na parte..iniiwasan..iba ang gusto..patuloy pa rin ang malalakas na pagdaloy ng pulang likido sa loob na naging dahilan ng mga nararamdaman..at sa bawat pagbaba sa inaasam, pawang pagtulak na lang sa hindi naman kayang itulak ang nagagawa..kasabay nito ang tunog na para bang musika sa tenga..ilang malalalim na hinga ang binitawan pero di pa rin sapat upang masimot ang sandaling tahimik ang mundo..walang maalala..isang pangyayaring mumulat sa isipang ng marami..ilang saglit na lang at mapapatunayan na..isa pa..at kuhang kuha mo na..


---traces of innocence

2 comments:

Alan Tanga said...

anu yan, regla? or pregnancy test? fill me in.

rosas said...

wahahaha..hulaan mo!!