Tuesday, August 08, 2006

Pride

nkatutok sa baku-bakong balat sa babang parte ng katawan..sobrang dumi sanhi ng mga likidong pinapalaya ng malapresong ulap..tangay ng mga likidong ito ang mga duming dala ng kalikasan pati na rin ng tao..naanod papalapit sa akin..gusto kong tanggalin ang anumang bahid ng dumi pero huli na, dama ko na ang sakit dulot ng pagkabigo..nabigla ng matignan ang bugbog na matatagpuan kung saan nagtatagpo ang mga malalamyang buto..mga bugbog na sanhi ng larong pinupukpok ang bilog na bola sa isang matigas patag na tinatapakang ng milyon-milyong tao araw-araw..masakit at mahapdi..sa pagpisil, huling huli ang likido na ayaw pakawalan ng mga mata..isang pisil pa at hindi na kinaya ang bigat na pasan ng aking mga mata..kinuha ang bagay na pantakip sa tuwing malamig,nilapat sa mukhang ayaw paawat..alala ang mga halakhak na tumatagos sa puso at unti-unting sumisira sa bawat pagtibok nito..gusto ng tumigil..krangalan at pagtatanggol...hindi ko sila naibigay..

hinihimas ang sarili..sakit paring ang sadyang nagpupunyagi...pasensya na...

No comments: